Sino Ka Ngayon? - Gloc 9, Jkris

Sino Ka Ngayon? - Gloc 9, Jkris

Год
2021
Язык
`Tagalogiska`
Длительность
319970

Nedan finns texten till låten Sino Ka Ngayon? , artist - Gloc 9, Jkris med översättning

Låttexten " Sino Ka Ngayon? "

Originaltext med översättning

Sino Ka Ngayon?

Gloc 9, Jkris

Ayoko ng may naapi

Ang tunay na lalaki handang tumanggap ng pagkakamali

At may tapang na humarap sa Diyos

Kahit lumusong

Sa pinaka malalim na putik

Mga naipon mong aral ang

Gamit na pang ukit

Sa tipak tipak na burak at kalawang na pabigat

Tandaan mong

Ang lakas mo

Ay kung sino ka ngayon

Nasan ang tamang daan Itinuturo ng nguso

Nalalabing paraan

Para sa naabuso

At napapag iwanan

Ng mararangal na tuso

Sila ba ang syang babago o kriminal na may puso

Simulan natin ang storya ng bata na taga norte

Sa iskwelahan isang mabuting estudyante

Ang bawat hakbang ng mga paay paabante

Kaso sa buhay

Di pwedeng mag paka kampante

Tinuruan ang sariling maging matigas

Lahat ng bunga sa mga puno ay may taga pitas

Kahit mababa ang edad

Kung tumitig ay mataas

Sa lumot di nadudulas

Nalakaran na ang dahas

Tingin man sa kanyay maton

Ay umiiral din ang puso

Ang asal ay patapon

Tuwing merong inaabuso

Naluklok sa posisyon

Unti unti syang natuto

Ang lahat ng desisyon

Ay para lagi sa tao

Minahal ng marami

D’on sa kanila

Kahit na kanino mo ipag tanong alam nila

Sige itanim ang binhi ng kwento palaguin

Ang puno sa Marilao na binansagang Aning

Kahit lumusong

Sa pinaka malalim na putik

Mga naipon mong aral ang

Gamit na pang ukit

Sa tipak tipak na burak at kalawang na pabigat

Tandaan mong

Ang lakas mo

Ay kung sino ka ngayon

Nasan ang tamang daan Itinuturo ng nguso

Nalalabing paraan

Para sa naabuso

At napapag iwanan

Ng mararangal na tuso

Sila ba ang syang babago o kriminal na may puso

Nasan ang tamang daan Itinuturo ng nguso

Nalalabing paraan

Para sa naabuso

At napapag iwanan

Ng mararangal na tuso

Sila ba ang syang babago o kriminal na may puso

Lahat ng ihip ng hangin ay ayon sa kagustuhan

Nabulag ang paningin sa kinang ng kadiliman

Ang mali ay naging tama

Ang tama ay Mali

Peke ang naka lantad habang tunay ang kinubli

Ang kasinungalingan ay ang naging katotohanan

Mga basag na salamin kanyang tinatapakan

Natibo, nahiwa hanggang syay nasugatan

Nang biglang lumipat ang pahina ng kapalaran

Mga kamay na naka posas

Tinging mapang mata

Kasama mo lang ay oras

Malayo sa kanila

Mga malamig na rehas

Palagi kang mag isa

Mga mahal sa buhay

Makakasama pa ba sila

Yan ang tanong ng isang tao na nakakulong

Mga hinaing mo sa buhay ibinubulong

Kahit walang makarinig gaano man kalakas

Natutunang manalangin tumingala sa Itaas.

Kahit lumusong

Sa pinaka malalim na putik

Mga naipon mong aral ang

Gamit na pang ukit

Sa tipak tipak na burak at kalawang na pabigat

Tandaan mong

Ang lakas mo

Ay kung sino ka ngayon

Nasan ang tamang daan Itinuturo ng nguso

Nalalabing paraan

Para sa naabuso

At napapag iwanan

Ng mararangal na tuso

Sila ba ang syang babago o kriminal na may puso

Nasan ang tamang daan Itinuturo ng nguso

Nalalabing paraan

Para sa naabuso

At napapag iwanan

Ng mararangal na tuso

Sila ba ang syang babago o kriminal na may puso

Nabago ng mga aral na hindi galing sa pisara

Kahit naka kulong ay kinalagan ang kadena

Ng galit at tapang makipag sagupaan sa gera

Nanaig ang pakikipag kapwa tao’t pakisama

Pang unawa at pagmamahal

Yan lang ang nag tatagal

Walang tanong na hindi mo kayang sagutin sa Dasal

Manipis o makapal

Tawagin man nilang hangal

Nangangarap parin na makapamuhay ng marangal

Kahit gano katapang o gano man kabagsik

Nababaliko ang bakal yumuyuko sa halik

Ng pamilya at mga Anak

Ngiti na malagkit

Walang kasing tamis doon

Ako lagi bumabalik

Nabigyan ng pag kakataong lumaya

Lahat ng bitbitin na mabigat ay kanya nang pinaubaya

Dahil ang tapang ay di nakikita kung sinong may kayang

Kumalabit ng gatilyo

Bagkos ay ang mag paraya.

Kahit lumusong

Sa pinaka malalim na putik

Mga naipon mong aral ang

Gamit na pang ukit

Sa tipak tipak na burak at kalawang na pabigat

Tandaan mong

Ang lakas mo

Ay kung sino ka ngayon

Nasan ang tamang daan Itinuturo ng nguso

Nalalabing paraan

Para sa naabuso

At napapag iwanan

Ng mararangal na tuso

Sila ba ang syang babago o kriminal na may puso

Nasan ang tamang daan Itinuturo ng nguso

Nalalabing paraan

Para sa naabuso

At napapag iwanan

Ng mararangal na tuso

Sila ba ang syang babago o kriminal na may puso

Diyos lang ang sandalan

Hindii ka na mamali

Hindi ka mapapahamak

Wala kang katatakutan basta’t

Diyos ang kasama mo

2+ miljoner sångtexter

Låtar på olika språk

Översättningar

Högkvalitativa översättningar till alla språk

Snabbsökning

Hitta texterna du behöver på några sekunder