Bintana - Gloc 9

Bintana - Gloc 9

Год
2019
Язык
`Tagalogiska`
Длительность
201590

Nedan finns texten till låten Bintana , artist - Gloc 9 med översättning

Låttexten " Bintana "

Originaltext med översättning

Bintana

Gloc 9

Pagmulat ng aking mata

Isang maaraw na umaga

Bumangon sa aking kama

Diretso na sa kubeta

Maliligo, maghihilod

Mga libag saking likod

Magmumumog pagkasipilyo

Handa na po ang inyong lingkod

Pagkatapos magsuklay

Suot ang bago kong damit

Nakahanda akong mamatay

Habang ako’y papalapit

Sa isang dilag at ang sabi ko sakanya

Itaas ang mga kamay holdap to

Ilabas lahat ng pera sa bangko nyo

Hindi ko naman talaga balak na gawin ito

Para bang ako’y tinulak lamang sa gawi na to

Ang gusto ko lamang naman ay tahimik na buhay

Kasama ang pamilya ko bawat araw makulay

Pag empatyo sa kahirapan ay sadyang nakakaumay

Kahit na ang maamong tupa’y tutubuan ng sungay

Kay pastor napilitang mamasukan si misis

Araw-araw na kinukwento kung gano kamanyakis

Kahit di pa nya sabihin kung hanggang saan ang labis

Magtiis sa amo na makaraos lamang ang nais

Isang araw ang aming anak walang tigil sa pag-iyak

Kung bakit ang mga doktor ay hindi makatiyak

Anong tunay na galak bakit napakailap

Para sa mga mahal puso ko’y nabibiyak

Pumasok ako dati kay mayor bilang alalay

Utusan sa kahit saan at ano mang bagay

Kumatok sa pinto ng kanyang malaking bahay

Upang humingi ng tulong para sa aking panganay

Tinaboy, kinutsya ako’y hinamak ng ina

M’ak madumi na daw ang sahig kung san ako tumapak

Ang mundo pala’y makipot akala ko malawak

Binitawan ang pag-asa na matagal ko ng hawak

Tinawagan ang kumpare para humiram ng bakal

Papasok sa pinto naglalakad ng mabagal

Labag man sa kalooban hindi ko naman asal

Ayoko ng basahin ang nakasulat na bawal

Pinuno ng salapi ang dala dala kong bag

Tumakbo ng tumakbo palayo at lumundag

Sa isang bangin na madilim para kang bulag

Nagpalipas ng gabi hanggang sa magdamag

Kinabukasan nilagay ang pera sa kahon

Saka ko’y kinandado malalim kong binaon

Nagpaalam sa mag-anak ko na tanong ng tanong

Meron na tayong sagot kahit ako’y makulong

Dadalhin ka na anak magpalakas ng katawan

Mag-aral kayong mabuti yan ang laging tandaan

Ako’y sumuko sa pulis agad akong kinapkapan

Nung walang nakatingin saka ako…

2+ miljoner sångtexter

Låtar på olika språk

Översättningar

Högkvalitativa översättningar till alla språk

Snabbsökning

Hitta texterna du behöver på några sekunder