Bato-Bato Sa Langit - Siakol

Bato-Bato Sa Langit - Siakol

  • Utgivningsår: 2005
  • Språk: Tagalogiska
  • Varaktighet: 3:12

Nedan finns texten till låten Bato-Bato Sa Langit , artist - Siakol med översättning

Låttexten " Bato-Bato Sa Langit "

Originaltext med översättning

Bato-Bato Sa Langit

Siakol

Sabi raw ni Mayor kalat ay iwasan

At ang kanyang bayan ay nadudumihan

Una n’yang proyekto ay ang kalinisan

Nguni’t ang basura samin ay nagkatambakan

Okey lang kay tsip kahit magka-traffic

Dahil dito lamang siya nakakagimik

Kotong dito, kotong doon

Lagi na lang ganon wag ng magtatanong

Tong, tong, tong, tong pakitong kitong

Bato-bato sa langit ang tamaan ay wag magagalit

Gumising ka, itapon na ugali mong kay pangit

Dito kay Congressman maraming natatakot

Dahil sa sobrang yaman galing sa pangungurakot

Wala na kong makita kahit konting pag-asa

Ngunit ang dambuhala ang dami ng asawa

Ito naman si Father masyado kung manermon

Sa simbahan ay hari laging nakasabon

Iwasan daw ang alak pati ang sigarilyo

Kapag walang misa bunganga ay parang tambutso

Bato-bato sa langit ang tamaan ay wag magagalit

Gumising ka, itapon na ugali mong kay pangit

Kaya mga ka-kosa tayo ay manahimik

Gawin ang nararapat wag tayong manakit

Pagmamahal sa kapwa ang laging isa-isip

Ng sa mata ng Maykapal tayo’y kaakit-akit

Bato-bato sa langit ang tamaan ay wag magagalit

Gumising ka, itapon na ugali mong kay pangit

2+ miljoner sångtexter

Låtar på olika språk

Översättningar

Högkvalitativa översättningar till alla språk

Snabbsökning

Hitta texterna du behöver på några sekunder