Bahay-Bahayan - Siakol

Bahay-Bahayan - Siakol

Год
2015
Язык
`Tagalogiska`
Длительность
312760

Nedan finns texten till låten Bahay-Bahayan , artist - Siakol med översättning

Låttexten " Bahay-Bahayan "

Originaltext med översättning

Bahay-Bahayan

Siakol

Sariwa pa sa akin ang nakaraan

Bata pa tayo noon

At walang kamuwang-muwang

Magkalarong lagi

At may tuksuhan

Ng musmos na isipan

Sa bahay-bahayan

Laging bulong noon

Ng aking damdamin

Ang nadama sayo

Na 'di pa pwedeng aminin

Unti-unti mong pagganda’y nasaksihan

Tinatanaw tanaw

Iniingat ingatan

Sayang naman

Hindi mo ba ito alam?

Sayang naman

Maghihintay na lang

Sa bahay-bahayan

Na puno ng kasiyahan

Mga ngiti mong

Tila may kahulugan

Sa mura mong edad

Ako’y may kasalanan

Sa lihim kong

'di dapat sa kabataan

At dumating na nga

Ang tamang panahon

Binata na ako

At dalaga ka na ngayon

At dumating din ang

Ang kinatatakutan

Hindi ako pagka’t iba pala

Ang iyong nagustuhan

Sayang naman

Itong inaasam-asam

Sayang naman

Ba’t nagkaganyan

Sayang naman

Itong inaasam-asam

Sayang naman

Ba’t nagkaganyan

Sariwa pa sa akin

Ang nakaraan

Kaya dama ko pa

Ang sakit na naranasan

Hindi biro ang ganitong kapalaran

Na ka’y tagal-tagal ko ng

Pinanghihinayangan

Sayang naman

Itong inaasam-asam

Sayang naman

Ba’t nagkaganyan

Sayang naman

At 'di na pwedeng balikan

Sayang naman

Itong bahay-bahayan

2+ miljoner sångtexter

Låtar på olika språk

Översättningar

Högkvalitativa översättningar till alla språk

Snabbsökning

Hitta texterna du behöver på några sekunder