Busted - Soulstice

Busted - Soulstice

Год
2021
Язык
`Tagalogiska`
Длительность
230620

Nedan finns texten till låten Busted , artist - Soulstice med översättning

Låttexten " Busted "

Originaltext med översättning

Busted

Soulstice

Sana 'di mo na lang pala ako pinahintulutan

Na gawing inspirasyon ang katulad mo sa kasalukuyan

'Di naman sa mali ka diyan, ang mali ako’y umasa

Kaso lang ang masakit do’n ay hinayaan mo pa 'kong mamihasa

Sa pagmamahal na inaasam galing sa 'yo

Masyado naman atang hindi naging patas ang binungad mo

Kala ko kasi may tiyansa at malaki ang aking pag-asa

Na ang naging sanhi sa huli ay bigla ko na lang natamasa

'Yung gan’tong pakiramdam kung kailan 'di na maalis

Sa 'king isipan lalo 'yung mga araw na sobrang tamis

Na nating dalawa sa daan napakasaya na kung tignan

'Di mo lang pala agad sadyang masabi ang salitang 'yan

Sana nung panahon na hindi pa ganu’n kalalim aking pagtingin

Ay mas maiintindihan ko pa at tatanggapin

Sa 'king sarili na hindi ako 'yung gusto mong makasama

Du’n pa lang sa simula’y sana’y nagsabi ka na ng maaga

Sino nga ba naman ako sa 'yo

Para sagutin ang tulad ko

Ang mahalaga’y nalaman ko sa 'yo

Na 'di ako ang gusto mo

Ba’t ngayon ko pa nalaman

Kung kailan handang-handa na kitang ipaglaban

Para 'kong magigiba

Sobra ka lang palang nahihiya

Na sabihin sa 'kin

Madali lang naman sabihin ang ayoko bakit pa kasi pinatagal mo

Umabot pa talaga sa puntong nahulog na 'ko sa 'yo

Pa’no naman yung nakaraan

Nung bigla mong hawakan ang kamay ko’t hinalikan

Dun pa lang alam ko na meron akong pag-asa

Ngunit wala pala

'Di ko na alam ang kasunod na nito kasi tayo ay masaya na

'Tas bigla mo na lang sasabihin sa 'kin na ayaw mo

Dapat una pa lang ay sinabi mo

'Di na sana umabot pa sa ganito

Minsan nakakainis lang isipin na parang 'di mo' ko kayang tanggapin

Sino nga ba naman ako sa 'yo

Para sagutin ang tulad ko

Ang mahalaga’y nalaman ko sa 'yo

Na 'di ako ang gusto mo

Ba’t ngayon ko pa nalaman

Kung kailan handang-handa na kitang ipaglaban

Para 'kong magigiba

Sobra ka lang palang nahihiya

Na sabihin sa 'kin

Na 'di pala ako 'yung tipo mong lalaki

Tagal mong 'di sinabi

Hinayaan mo na maaksaya

'Yung mga bagay na tinuon ko

Para sa katulad mo na hiniling kong mapasa’kin

Hahamakin ang lahat malagyan ko lang ang ngiti mo

Ngunit hindi pa pala ako

Ang gusto mo na magtatanong

Kung «oo» ka ba sa 'kin

Bakit ngayon mo lang inamin

Kung kailan napapamahal na ako sa iyo

Ng totoo hindi naman kasi dapat nagkakaganito

Sana man lang inisip mo ang pakiramdam ko

Sino nga ba naman ako sa 'yo

Para sagutin ang tulad ko

Ang mahalaga’y nalaman ko sa 'yo

Na 'di ako ang gusto mo

Ba’t ngayon ko pa nalaman

Kung kailan handang-handa na kitang ipaglaban

Para 'kong magigiba

Sobra ka lang palang nahihiya

Na sabihin sa 'kin

Sino nga ba naman ako sa 'yo

Para sagutin ang tulad ko

Ang mahalaga’y nalaman ko sa 'yo

Na 'di ako ang gusto mo

Ba’t ngayon ko pa nalaman

Kung kailan handang-handa na kitang ipaglaban

Para 'kong magigiba

Sobra ka lang palang nahihiya

Na sabihin sa 'kin

2+ miljoner sångtexter

Låtar på olika språk

Översättningar

Högkvalitativa översättningar till alla språk

Snabbsökning

Hitta texterna du behöver på några sekunder